Iminungkahi ni Buhay Party-list Rep. at Vice Presidential aspirant Lito Atienza na muling ibalik ang two-party system sa gobyerno. Kinuwestiyon niya rin ang negosyo at kita ni Presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Atienza, kung may party system, mas masusuri ang mga kakandidato.<br /><br />Hiningi ng The Mangahas Interviews ang panig ni Marcos Jr. hinggil sa pahayag ni Atienza. Wala pang sagot ang kampo ng dating senador.